Posted in basel

Nanay, Tatay Gusto Ko ng Tinapay* sa Basel

20160910_144550

Noong  ika-10 ng Setyembre,  maluwalhating ginanap sa Quartierzentrum Bachletten (QuBa) sa Basel ang ikatlong Kuwentuhang Sabado.  Isang maliit ngunit aktibong pangkat ng mga bata kasama ng kanilang mga magulang ang nagtipon at lumahok para sa okasyong ito.

Ang paksa para sa pagtitipong ito ay “Pamilya” .  Imbes na iisa lamang na aklat ang binasa, lubos na ginanahan ang mga tsikiting at sunod–sunod na ipinabasa ang  “Ikaw Ba ang Nanay Ko?” ni Rodolfo Desiduado,   “Ay, Nakuu…” ni Reni Roxas at Sergio Bumantay, “Sino Po Sila sa Bahay?” ni Jomike Tejido at “My Ate and I/My Kuya and I” ni Ani Rosa Almario at Kay Aranzanso. Natutunan ng mga bata ang tawag sa bawat miyembro ng pamilya pati na rin ang tamang pagtawag sa mga nakakatanda sa kanila (“ate”, “kuya”).

Dahil maaraw at sadyang napakaganda ng panahon, nagmeryenda ang grupo sa Schutzenmattpark. Pagkatapos ay masaya ring naglaro  at nagtampisaw sa maliit na paliguan ang mga bata.

Sana ay makadalo kayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

*Isang talunton mula sa isang kanta.

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s