Posted in schüpfheim

Pili na ng Kulay mo. sa Schüpfheim, Luzern

Maraming dumalo at nakisali sa nakaraang Kuwentuhang Sabado na naganap noong ika-12 ng Nobyembre sa Schüpfheim sa Luzern!

img_0756

Una sa lahat ay pagpili ng paboritong kulay mula sa makukulay na baraha. Iba’t-ibang gawain ang tinukoy ng mga kulay na napili ng ating mga bisita at upang matupad nila ang kanilang gawain, nakihalo din ang mga magulang! At talaga naman, lahat ay abalang-abala sa paghugis ng masa o Salzteig para makagawa ng kanya-kanyang lilok ng paboritong hayop o pagkain o laruan.

img_0746

At habang hinihintay maluto ang mga nagawang lilok ng mga bata, ang libro na sabay-sabay na binasa ay ang Asul na Araw ni Pipa Escalante. Tungkol sa isang batang babae na bawat araw ay iisang kulay lang ang pinipiling ususuot na damit o dadalhin na gamit o laruan, ang mga batang KS naman ay sumabay din nang paghanap ng iba’t-ibang mga hugis ng kanilang napiling kulay sa bawat pahina ng kuwento.

datei_008

Pagkatapos ay merienda na muli! At syempre hindi mawawala ang magkuwentuhan ang mga magulang at maglaro ang mga bata.

Sapagkat maraming mga magulang din ang dumalo noong nakaraang KS, para sa mga magulang na ginustong makita at mabisita ang nayon ng Schüpfheim, nagkaroon din ng maikling paglalakbay sa bayan habang ang mga bata naman ay maraming ginagawa sa KS.

img_1341

Malapit na ang susunod na Kuwentuhang Sabado! Sali na at dumalo sa ika-10 ng Disyembre sa Zürich, ang susunod na pagititipon ng Kuwentuhang Sabado.

Click here to check out the schedule of our next KS sessions, or click here to enrol.

Author:

a traveling Swiss-Filipino playgroup

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s