Kilala mo ba ang tikbalang at ang bruha ng Pilipinas? Noong ikaapat ng Nobyembre 2017, nagtipon ang mga bata at magulang sa Zürich at may natutunan tungkol sa mahihiwagang halimaw ng Pilipinas. Unang-una, kumanta ang lahat ng pangungumusta.
Binasa ni Mommy Kith ang librong “Ang Tikbalang Kung Kabilugan ng Buwan” ni Virgilio Almario at “Bru-ha-ha-ha-ha-ha…Bru-hi-hi-hi-hi-hi…” ni Ma. Corazon Remigio.
Kumanta muna ang lahat ng Bahay Kubo at Sampung mga Daliri bago naupo at gumawa ng mga maskara.
Tinulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak gumuhit at gumupit ng mga makukulay na maskara na may sari-saring hugis.
Ang gaganda ng mga maskara, ano?
Nagsalu-salo ng meryenda ang lahat bago kumanta ng pagpapaalam. Magkita-kita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!