Blog

Posted in Pop-up KS, sion

Pop-up KS at Choco Crinkles! ng Disyembre 2018

Sa unang pagkakataon noong ika-16 ng Disyembre, 2018, naganap ang Pop-up KS sa lugar ng Romandie (kung saan ang wikang salita ng mga kapamilyang-KS natin ay Pranses). Binasa namin ang “Kung Linggo” ni Virgilio Almario ngunit Linggo ginanap ang KS na ito at hindi Sabado.

Maikli man ang aklat na napili namin, marami naman ang ginawa ng bida sa aming kuwento– mula sa pakikipag-taguan, magguhit at maglaro at (hindi) magligpit, sulit ang araw niya kapag Linggo — kaya pagkatapos nang kuwentuhan, kami rin ay kaagad na inasikaso ang marami naming gustong gawin (at lutuin!) sa Linggong ito.

Continue reading “Pop-up KS at Choco Crinkles! ng Disyembre 2018”
Posted in general

Ang Bus ng Oktubre 2018

Noong ika-6 ng Oktubre, 2018 binasa namin ang kuwento ni Kas, ang Barumbadong Bus. Maraming galit kay Kas dahil kaskasero sya, pero hindi marunong makinig si Kas sa mga sinasabi sa kanya ng kapwa sasakyan at pasahero. Huli na nang natutunan nya ang mahalagang pangaral sa kanya, at sa tambakan sya umuwi pagkatapos sya mabangga dahil sa pagiging barumbado nya.

Continue reading “Ang Bus ng Oktubre 2018”
Posted in zürich

Araw ng Kalayaan 2018

Sa pinakahuling Kuwentuhang Sabado para sa taong 2017-2018 ay ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan at pagtatapos ng klase. Napakaganda ng panahong iyon: mainit ngunit mahangin.

img_0311 

Pagkatapos kantahin ang “Lupang Hinirang” at “Bayan Ko” ay ibinasa ang kuwentong “Mahiwagang Istetoskop” na tungkol sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal. Continue reading “Araw ng Kalayaan 2018”

Posted in zürich

Si pagong at si matsing

Nung ika-7 ng Abril 2018, ginanap ang huling Kuwentuhang Sabado. Mayroon uli kaming bagong mga bisita. Si Leonel at ang nanay niyang si Abigail at ang lola niyang si Teresita. Dumalaw din si Liway at ang tatay niyang si Glenn.

At dahil sa aming mga bisita, nagpakilala uli muna kaming lahat. Pagkatapos, kinanta namin ang aming mga awiting pambata para maalala uli.

Ang sumunod naman ay ang kuwentuhan. Nagbasa si Mommy Charlie ng librong
«Si pagong at si matsing» muling isinalaysay ni Virgilio S. Almario at Iginuhit ni Hubert B. Fucio.
Nagustuhan ng mag bata ang kuwento. Biglang napakatahimik sa kuwarto dahil ang mga bata ay nakikinig ng mabuti sa kuwento.

Alle_close

Continue reading “Si pagong at si matsing”

Posted in basel

Piyesta ng Muling Pagkabuhay – Basel

Nagkaroon ng mini-KS ng ika-24 ng Marso sa gubat ng Lange Erlen sa Basel. Ang paksa ay Piyesta ng Muling Pagkabuhay.

Bukod sa pagbasa ng mga aklat tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesus at Easter at pagkanta ng mga paboritong awitin, gumuhit sa at nagtina ng itlog ang mga lumahok

Pagkatapos ay nagkaroon ng Easter egg hunt kung saan lahat ng mga tsokolateng itlog ay nahanap

 

Maligayang Piyesta ng Pagkabuhay sa inyong lahat!