Posted in Allgemein, Coronavirus, general, global, virtual KS

Patuloy ang KS sa panahon ng Corona

Kahit na may lockdown na naganap sa Europa at patuloy na nagaganap sa Pilipinas at iba pang bahagi ng mundo, patuloy pa rin ang interes na makinig at matuto sa wikang Pilpino para sa mga bata at kanilang mga magulang. Dahil dito, nagsimulang magkaroon ng pinakaunang Kuwentuhang Sabado-Lockdown Special sa  Zoom noong ika-4 ng Abril. Mula sa aklat na «May Giyera sa Katawan ni Mark» ni Luis Gatmaitan ay itinuon ang paksa sa nagaganap na krisis sa coronavirus.

Naging masaya at matagumpay ang pagpupulong na ito na dinalo ng mga pamilya na nasa Europa, Pilipinas at Amerika. Oo, naging international na rin ang hatak ng Kuwentuhang Sabado.

Sa mga sumunod na Kwentuhang Sabado- Lockdown Special, naging paksa ang tagsibol , ang pamilya , at noong nakaraang lingo, ang mga parte ng katawan. Lubos na naging masaya ang mga kantahan, laro at gawaing sining at hulaan sa bawat pagpupulong.

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista.

Nais namin kayong imbitahan sa aming ika-5 na Kuwentuhang Sabado Lockdown Special sa Zoom na gaganapin ngayong Sabado, ika-30 ng Mayo, alas 10 ng umaga (CET) (4pm PH Time).

Sa pinakauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kuwentuhang Sabado ay magkakaroon tayo ng panauhing kwentista. Si Tita Maita ay propesora sa Unibersidad ng Pilipinas at isinulat ang aklat na “When Zero Left Number Land” na isinalin at babasahin niya sa Pilipino.

O, ano pang hinihintay ninyo? Sumali na rin kayo!

Sumulat lang sa info(at)kuwentuhangsabado.com o kaya sa aming facebook page.

Sana magkita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Posted in Coronavirus, virtual KS

Pamilya with KS

Iniimbita namin kayo sa ikatlong (virtual) Kuwentuhang Sabado session na gaganapin itong Sabado, ika-2 ng Mayo, 2020 ng ika-10 n.u. (May 2, 10am CET).

Para sa ating group activity, paki handa ang susunod na materyal:

  1. bond paper (size A4 or Letter size)
  2. lapis
  3. gunting
  4. pangkulay
  5. kutsara o kutsarita
  6. pandikit (glue)

Sumulat lang po sa info@kuwentuhangsabado.com o kaya sa aming FB page para ma-ipadala sa inyo ang Zoom call-in information. Salamat! Sana magkita tayo sa susunod na Kuwentuhang Sabado!

Posted in Coronavirus, general, virtual KS

Tag-Sibol sa KS

Patuloy ang KS via Zoom nitong panahon ng Coronavirus. Ang naganap na KS noong ika-18 ng Abril ay nagkaroon ng maraming bisitang nakinig, nakitawa, at naki-gawa sa ating themang Tagsibol.

Ano nga ba ang Tagsibol at ano ang pwedeng gawin sa panahon ng tagsibol? Eto ang naging kuwento sa ating KS mula sa kuwento ni Grace D. Chong tungkol sa isang munting bayan ng Umingan at ang bagong makulay at masiyahin na gurong dumating.

At pagkatapos ng kuwentuhan, nagkaroon ng kantahan. Sa araw na ito, hindi tungkol sa Bahay Kubo, kundi sa “Kapit-bahay Kubo”. Ibang na ang gulay, nakakapanibago pang kantahin kahit kilala ang tono. “Kanta ba ito?” ang tanong ng mga kasali sa KS. Totoo, meron talagang Kapit-bahay Kubo!

At syempre hindi mawawala ang ating group activity. Sa paggamit ng facial tissue o kaya naman toilet tissue, gumawa kami ng mga bulaklak bagay sa panahon ng Tagsibol.

Salamat sa pagsama nyo. Sana makasama ulit kayo sa susunod na KS natin.

Ang susunod na KS via Zoom ay sa ika-2 ng Mayo alas-10 n.u. (May 2, 10am CET). Welcome lahat ng mga pamilyang gustong makikanta, makikuwento, at makisali sa Kuwentuhang Sabado. Sumulat lang sa amin sa via e-mail o kaya via Facebook para sa direct link para sa Zoom KS!

Sana magkita tayo sa susunod na KS!

Posted in Coronavirus

Coronavirus KS Lockdown Special

SARS-CoV-2

Because we can’t let this little coronavirus stand in the way of our regular KS sessions, we are inviting everyone to our virtual Kuwentuhang Sabado session this coming Saturday at 2.30pm CET.

Awaiting all our virtual visitors is a first KS session by Zoom – complete with singing, storytelling and arts & crafts.

For our group activity, please prepare the following material:

  • Play-doh (2 colors)
  • OR 1 orange/melon and 20 pcs blueberries/grapes
  • 1 box of matchsticks or toothpicks
  • paper and color-pencils

Please message us at kuwentuhangsabado(at)gmail.com for the Zoom link. Sana magkita tayo kahit Lockdown na!