Posted in schüpfheim

Magkakapatid na Daliri sa Schüpfheim

Sa ika-13 ng Mayo, 2017, nagtipon-tipon ang Kuwentuhang Sabado sa Schüpfheim ng huling pagkakataon, ngunit si Mommy Cherry at ang kanyang pamilya ay lilipat na sa Agosto sa Kanton ng Wallis!

Kaya ang naging kuwentuhan nitong Sabado ay tungkol sa pamilya, mga magkakapatid at magkakamag-anak. Kasabay ng mga librong binasa, ay ang pag-laro ng mga iba’t-ibang fingerpuppets na gawa ni Mommy Cherrry.

img_1172.jpg

Continue reading “Magkakapatid na Daliri sa Schüpfheim”

Posted in schüpfheim

Sino ang taya? sa Schüpfheim

Ang huling pagtitipon ng KS noong nakaraang ika-2 ng Pebrero sa Schüpfheim ay binati ng magandang panahon.

Dahil malapit na ang Fasnacht sa Luzern sa katapusan ng buwan, ang natalakay na tema ay tungkol naman sa mga Halimaw ng Pilipinas – o Philippine Mythological Creatures para makilala ng mga bata (at maalala ng mga magulang) ang kakaiba at minsan kakatuwang mga paniniwala ng mga Pinoy.

IMG_0995

Continue reading “Sino ang taya? sa Schüpfheim”

Posted in schüpfheim

Pili na ng Kulay mo. sa Schüpfheim, Luzern

Maraming dumalo at nakisali sa nakaraang Kuwentuhang Sabado na naganap noong ika-12 ng Nobyembre sa Schüpfheim sa Luzern!

img_0756

Una sa lahat ay pagpili ng paboritong kulay mula sa makukulay na baraha. Iba’t-ibang gawain ang tinukoy ng mga kulay na napili ng ating mga bisita at upang matupad nila ang kanilang gawain, nakihalo din ang mga magulang! At talaga naman, lahat ay abalang-abala sa paghugis ng masa o Salzteig para makagawa ng kanya-kanyang lilok ng paboritong hayop o pagkain o laruan.

Continue reading “Pili na ng Kulay mo. sa Schüpfheim, Luzern”

Posted in schüpfheim

KKK: Katawan, Kantahan at Kainan. sa Schüpfheim, Luzern

Kaunti pero masaya ang pangalawang Kuwentuhang Sabado noong ika-15 ng Agosto sa Schüpfheim. Bahagi ng katawan ang tema, kaya nagbasa kami ng tatlong libro at kumanta ng mga awit tungkol sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nakakatuwa ang unang libro kung saan kailangang ipakita ang mga bahagi ng katawan na kinuwento ni Mama Cherry.

Continue reading “KKK: Katawan, Kantahan at Kainan. sa Schüpfheim, Luzern”